Saturday, October 31, 2020

Noli Me Tangere Kabanata 43 : Mga Balak with Audio

 


   Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sinabi na, “Anak ko, hindi ka mamamatay.” Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong kalambot na damdamin. Tumindig si Padre Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at umiyak na parang batang ibinulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria.

  Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay ina-anak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na Abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiago.

  Naiwan si Padre Salvi na malungkot at nagmumuni-muni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, at humihingi ng payo patungkol sa pagkamatay ng kaniyang kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas at pilit na nagpapatulo ng luha nang isinalaysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at sinabing binigyan lamang siya ng P500.00 para sa pagkamatay ng kaniyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at sinabing pasalamat siya’t hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas.

No comments:

Post a Comment