Saturday, October 31, 2020

Noli Me Tangere Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi with Audio

  


  Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kaniyang pagdedeliryo ay wala siyang ibang binanggit na pangalan kundi ang pangalan lamang ng kaniyang inang hindi man lamang nakikilala. Siya ay binabantayang mabuti ng kaniyang mga kaibigang dalaga. Si Tiago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.

  Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.

  Isang hapon, napag-usapan ang nakatakdang paglipat ng parokya ni Padre Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na mag kausap ang anak at si Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kaniyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria.

  Hindi pinansin ni Padre Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat ng mga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Padre Salvi na gamutin ng kaniyang kumpisal Si Donya Consulation na asawa ng Alperes.

  Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiago na ipahanda niya kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kaniyang paggaling.

  Samantala, pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kapag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Sinang kung hindi sumulat si Ibarra. Sumagot si Sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng Arsobispo ang kaniyang ekskumusyon. Saglit na natigil ang kanilang pag-uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapagtanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel. Si Maria naman ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang malaking kandila sa harap ng altar ng Mahal na Birhen.

  Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa sinasabi ni Maria ay tila ba binabasa nito ang nasa isip ng dalaga. Nang lumabas ng silid si Padre Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunot ang nuo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na di nagtamo ng patawad.

No comments:

Post a Comment