Sunday, September 8, 2019

HOW TO SOLVE THE RUBIK'S CUBE



   Solving the Rubik's Cube is a lot of fun but if you had no idea how to do, it could be like a pain in the butt. The only way you could think of  to solve your Rubik's cube is when you dismantle it and rearranged it back! It's funny isn't it ?But well, that could be a solution, at least, but not legit. I really wanted to learn the Rubik's cube back then because there's a Mathematics Festival in the public schools where solving the Rubik's cube is one the contests. In my eagerness to learn it, I went to Youtube and watched a couple of video tutorials but it was too fast for me to follow. What's the sense of a tutorial video when you don't target for the learning output of your  audience? It was when I happened to talk to my sister who was having an internship from PNU that my thirst to learn the Rubik's cube was answered. She said it was her spring board in one of her Math classes and that she knows how to do it really well. And I said to myself, well, I've watched a couple of tutorials from people who knows how to solve the Rubik's cube really fast with all their Algorithm techniques, but what I wanted is to have someone who could teach me in a an easy way approach, and someone who could see my weakness in learning the cube and not just to showcase to me that she/he is good at it. So here's my video tutorials on how to learn the Rubik's cube the easiest way. It was proven effective since I have taught more than a hundred Rubik's cube fanatic kids ranging from 8-14 years old using my approach. 


  1. First and foremost, I had to give a little lecture about the Rubik's cube and then I will demonstrate to them how I solve it. It's my way of directing them mentally and attitude wise towards this new learning goal. 



   2. Learning the first layer is the most challenging part because this is the first time to ever try to solve the Rubik's cube with logic by applying simple algorithm. It is very crucial to set the positive learning attitude of the kids before they hold the Rubik's cube.
                         
                                                                                                        

   3. Learning the second layer could be very exciting because the pattern is easy to memorize. It might be overwhelming for the kids with this new learning experience but kids had to practice this layer a couple of times before proceeding to the next and final layer.




3. The third layer is the most challenging part  because there are 2 preliminary steps  that kids need to solve before applying the pattern of True and False. But, it should be very easy like setting up a table for a very nice dinner. 




   Well, I hope you had a great time learning the Rubik's cube with my video tutorials. The next thing you need to do after knowing all the patterns and algorithms is to practice regularly because its only when you practice that makes your finger movements faster like a reflex. You can set up a time to beat your last record and who knows you could be one of the fastest Rubik's cube solver in the world. Explore more and find some techniques!

Friday, August 9, 2019

Pagbasa sa Filipino Letter Ng ng with Audio Guide



Pagbasa sa Filipino Letter Gg with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
Titik G g


Pagbasa sa Filipino Letter Ww with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
Titik W w


Pagbasa sa Filipino Letter Pp with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide 
Titik P p




Pagbasa sa Filipino Letter Dd with Audio Guide


Pagbasang Marungko with Audio Guide
Titik D d



Pagbasa sa Filipino Letter Yy with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide 
Titik Yy



Pagbasa sa Filipino Letter Cc with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
Titik Cc  


Tuesday, July 23, 2019

150 Halimbawa ng mga Bugtong at Sagot

ANO ANG BUGTONG?


   Ang bugtongpahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong).[1] May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Monday, July 15, 2019

Pagbasa sa Filipino Letter Tt with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
Titik Tt


Pagbasa sa Filipino Letter Uu with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide 
Titik Uu


Pagbasa sa Filipino Letter Ee with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
 Tunog Ee


Pagbasa sa Filipino Letter Bb with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
Tunog Bb


Pagbasa sa Filipino Letter Oo with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
 Tunog O o


Pagbasa sa Filipino Letter Ii with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
Tunog I i


Pagbasa sa Filipino Letter Mm Ss Aa with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
Tunog Mm, Ss, Aa


Pagbasa sa Filipino Letter Kk with Audio Guide

Pagbasang Marungko with Audio Guide
 Tunog K k


Tuesday, July 9, 2019

ANG PINAGMULAN NG AHAS with Audio Guide


Sa isang nayon sa Katagalugan ay may naninirahang mag-ina. Ang biyudang si Aling Sima at ang kanyang anak na si Masung. Bagama’t malaki ang pangangatawan ni Masung ay sobra naman ang kanyang kawalanghiyaan. Sa halip na makatulong siya sa ina ay pabigat pa siya rito.

“Ano kaba naman, anak. Sana man lang ay linangin mo ang lupang iniwan ng iyong ama. Sayang lang ang pagpapalaki ko sa iyo. Inubos mo lamang ang pera sa pag-inom ng alak,” ang wika ni Aling Sima.
“Ayan na naman kayo. Pagod ako at huwag ninyong isusumbat sa akin ang ibinibigay ninyong pera dahil tungkulin ninyong bigyan ako ng pera!” ang sagot ni Masung.

Walang nagawa si Aling Sima kundi ang tumahimik. Alam niyang walang patutunguhan ang pag-uusap nilang mag-ina dahil sa maling katuwiran ng anak. Hindi lang ubod ng tamad si Masung, siya ay ubod pa ng takaw. Hirap na hirap na ang kanyang ina sa bukid samantalang siya ay naroon at sarap na sarap sa pagtulog. Tamad na nga siya ay basagulero pa.

Isang araw, natutulog ang matanda nang gulantangin ito ng ingay ng pinto. Humahangos si Masung at naghahanap ng gulok dahil may nakaaway siya. Walang nagawa si Aling Sima kundi ang sumigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. Anim na lalaki ang nagtulung-tulong para lamang mapigil sa pakikipag-away si Masung. Marami ng sinaktang tao si Masung kapag ito ay nagwawala kaya’t siya ay kinatatakutan.

Minsan, wala siyang inabutang pagkain sa bahay. Gutom na gutom pa naman siya. Galit na galit na pinuntahan niya sa silid ang kanyang ina at pabulyaw na nagsabing:

“Bakit hindi ninyo ako ipinaghanda ng pagkain?”

“Anak may sakit ako. Wala akong lakas.”

“Kayo may sakit? Arte lang ninyo iyan. Sige bumangon kayo riyan at ipagluto ninyo ako ng pagkain!”

“Anak, parang awa mo na. Ikaw na muna ang maghanda ng iyong makakain,” ang lumuluhang sabi ni Aling Sima.

“Ako, magluluto? Ano ako, babae! Hindi maaari, sige bumangon kayo at magluto!” ang bulyaw ni Masung na sabay sipa sa ina.

Sa kawalanghiyaang inasal ng anak ay hindi na nakapagtimpi pa si Aling Sima at nagwika ng:

 “Walang utang na loob, lapastangan na anak! Ikaw na ubod ng tapang ay gagapang sa lupa at kailanman ay hindi ka na makakatayo sapagkat habang buhay kang gagapang. Mananatili ang iyong kabagsikan at lalo kang katatakutan ng mga tao!”

Tinawanan lamang ni Masung ang sinabi ng ina. Lumayas siya at sa paglalakad niya sa bukid ay bigla siyang nalugmok. Hindi niya maitayo ang kanyang mga paa. Naramdaman niyang unti-unting humahaba at pumapayat ang kanyang katawan hanggang sa tuluyang mawala na ang kanyang mga paa’t kamay. Huli na nang magsisi siya.

Samantala, ang kanya palang kaaway ay lihim siyang sinusundan. Nasaksihan niya ang pagbabago sa katawan ni Masung. Nagdatingan pa ang ibang tao. Nakita nila ang mahabang hayop sa lupa na gumagapang sa damuhan. Nang makita niya ang mga tao ay umakma siyang manunuklaw at sa takot ay nagpulasan ng takbo ang mga tao.

Magmula nga noon ay nilayuan na ng mga tao ang damuhang iyon sa takot na matuklaw sila ni Masung – ang taong naging ahas na siyang pinagmulan ng unang ahas.

ANG ALAMAT NG SAGING with Audio Guide



Sa isang malayong lugar ay may dalawang magkasintahan na tunay na nag-iibigan. Sila sina Aging at Juana. Ngunit sa kabila nito ay tutol ang mga magulang ni Juana na si Mang Juan, kayat lihim lamang siyang nakikipagtagpo kay Aging.
Ngunit, minsang nakipagtagpo siya kay Aging ay nasundan siya ni Mang Juan kaya't ng makita ni Mang Juan ay nagsiklab siya sa galit. Bigla niyang binunot ang itak na nasa kanyang tagiliran at sinugod ni Mang Juan si Aging.Sa pagkabigla ay hindi nakaiwas si Aging kaya inabot ng itak ni mang Juan ang braso ni Aging at naputol.
Sa sobrang takot ni Aging ay napatakbo siya papalayo sa mag-amang Juana. Labis ang kalungkutan ni Juana dahil sa mga pangyayari ngunit wala na siyang magagawa pa dahil wala na si Aging. Kayat pinulot nalang niya ang naputol na braso ni Aging at inilibing sa kanilang bakuran.
At sa paglipas ng mga araw ay wala pa rin si Aging. Wala na siyang balita kung ano na ang nangyari kay Aging. Subalit sa pag labas ni Mang Juan sa kanilang bahay ay napansin niya ang isang uri ng halaman  na noon lamang niya nakita kayat dali- dali niyang tinawag si Juana at tinanong kung anong uri ba ng halamang iyon.
Laking gulat ni Juana nang makita niya ang tinutukoy ng kanyang ama, dahil sa lugar mismo ng pinaglibingan niya ng braso ni Aging ay may tumubong halaman.
Ito'y kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo'y isang kamay na may daliri ng tao.
Naalala niya ang kanyang kasintahan, at nasambit niya ang pangalang Aging. At sinabi niya na iyan si Aging. Kaya mula noon ay Aging ang tinawag nila sa halamang iyon. At sa paglipas ng panahon ay nabago na ang Aging at itoy naging Saging.

ANG ALAMAT NG PINYA with Audio Guide


Noong unang panahon, may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya’t pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw, nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya’t napilitan si Pinang na gumawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya’t nawika nito:

“Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong ng tanong sa akin.”

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halaman iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito’y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sana’y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang. Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang Pinang ay naging Pinya.

Aral:
Sa paghahanap ng mga nawawalang bagay, gamitin ang mata at hindi ang bibig.
Gumawa ng may kasayahan para ano mang trabaho ay magaan kapag ito ay nagugustuhan.

ANG ALAMAT NG BAYABAS with Audio Guide


Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas. Siya ay kinatatakutan ng kanyang mga nasasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya ng kayamanan niya.
Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay inutusang magtipid upang maka-alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.
Lahat ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang makatipid maliban sa isang tao. Ang mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod sa kanyang utos. Wala itong pakialam na naghihirap ang mga taong kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa paglustay ng kanyang kayamanan sa mga walang kwentang bagay.
Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung kumain, ang hari ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin. Iba’t ibang putahe ng iba’t ibang mahal na klase ng pagkain ang kanyang ipinapahanda. At ang masaklap pa, ay siya lamang ang kumakain ng mga pinapaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga taong-bayan na saluhan siyang kumain. Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan na itong masira at hindi na puwedeng kainin.
Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.
Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.
Nakita ng taong-bayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging isang halaman.
Mula noon tinawag nila ang halaman na Bayabas mula sa pangalan ni Haring Barabas.