Thursday, June 25, 2020

Sino Si Francisco Balagtas? Makatang Filipino


 

 Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinakamainam na likha. 

  Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay isinilang noong April 2, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Baltazar sa Barrio Panginay, Bigaa (na ngayon ay kilala bilang Balagtas sa kanyang karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid na sina Felipe, Concha, at Nicholasa.

  Nag-aral si Francisco ng Katesismo sa isang parochial school sa Bigaa at kalaunan ay nagtrabaho bilang houseboy para sa pamilyang Trinidad sa Tondo, Manila. Kalaunan siya ay pinag-aral ng kanyang tiyahin sa Colegio de San Jose. Noong 1812, nagtapos siya sa degree ng Crown Law, Spanish, Latin, Physics, Christian Doctrine, Humanities, and Philosophy. Ang kanyang dating guro na sina Dr. Mariano Pilapil at José de la Cruz na mga bantog na Poet sa Tondo ang nagturo sa kanya kung paano magsulat ng mga tula.

  Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas sa pagsusulat upang mahasa ang kakayanan nito. Sa kanyang Florante at Laura (1835) tinukoy niya kung paano niyang nakilala ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera nang lumipat siya sa Pandacan. Tinukoy niya ito bilang si Celia.

  Si Balagtas ay pinabilanggo ni Mariano Capule, isang maimpluwensya at mayamang lalaking kalaban niya sa pagmamahal kay Celia. Habang nasa kulungan ay isinulat ni Balagtas ang kanyang makasaysayang piraso ng Florante at Laura na inspirasyon ang mga elemento ng kanyang kasalukuyang buhay.

  Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang Espanyol ay ang dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa bilangguan noong 1838 at inilathala niya ang Florante at Laura noong panahong iyon.

  Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa Balanga, Bataan noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at Punong Tagasalin ng Hukuman.

  Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan, sila ay nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at anim na babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.

  Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat katutubong Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay naging kilala si Balagtas bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay nabilanggo sa ikalawang pagkakataon noong 1856 nang ipahayag ang reklamo ng isang kasambahay na pinutol niya ang buhok nito. Siya ay napalaya noong 1860 at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula. 

  Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling hangarin ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa takot na sila ay dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na mainam pang maputol ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging manunulat. 

  Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong termino para sa debate gamit ang ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa kanya: ang Balagtasan. Ipinangalan din ang isang paaralang elementarya sa kanyang karangalan, ang Francisco Balagtas Elementary School (FBES), na matatagpuan sa kahabaan ng Alvarez Street sa Santa Cruz, Maynila.

Tuesday, June 9, 2020

SINO SI MIGUEL MALVAR? KILALANIN BAYANING FILIPINO


MIGUEL MALVAR
Komandante Heneral

   Si Miguel Malvar ay isang Pilipinong Komandante Heneral na naglingkod noong Himagsikan ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsasagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

   Si Miguel Malvar y Carpio ay ipinanganak noong 27ng Setyembre 1765 sa Santo Tomas, Batangas. Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas noong huling bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko ni Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901.

   Naging isang gobernadorcillo si Malvar noong 1892. Sumali siya sa Katipunan at sa pagsiklab ng rebolusyon ay pinamunuan niya ang isang maliit na puwersa laban sa militar ng Espanyol sa Tagaytay, Batangas. Ang kanyang ama ay naaresto at pinahirapan, ngunit nagawa niya itong mailigtas. Matapos nito, siya at ang kanyang mga tauhan ay tumakas sa Tagaytay at sumali sa mga rebolusyonaryong pwersa sa Cavite.

   Di naglaon, ipinadala siya ni Aguinaldo upang magtanggol sa tulay ng Zapote kung saan nakipaglaban siya kasama si General Edilberto Evangelista, subalit namatay si General Edilberto sa labanan. Ito ay itinuturing na isa sa mga matitinding balakid ng rebolusyon. Pagkatapos ng pakikipaglaban sa Zapote, nakipaglaban siya sa Indang, Bailan, Magallanes at Alfonso. Noong 31 Marso 1897, itinaas ang kanyang katungkulan bilang tenyente heneral. Sa organisasyon ng rebolusyonaryong gobyerno at ng pamahalaang pampook ng Batangas, siya ay itinalagang pinuno ng lalawigan.

   Pinili siya bilang unang kahera administrador sa mga pondo ng rebolusyonaryo. Mga isang buwan pagkatapos ng pagbabalik ni Aguinaldo, sumunod siya kasama ang may 2,000 na riffles. Nang pinangalanan siya bilang Komandante Heneral sa katimugan ng Luzon, inorganisa niya ang mga pwersa sa mga lalawigan ng Batangas, Mindoro at Tayabas. Itinatag niya ang kanyang punong tanggapan sa Lipa, at responsable sa samahan ng mga ekspedisyon ng militar sa Mga Isla ng Visayas.

   Ngunit ang paglaban sa mas malakas na kaaway ay naging mahirap para sa puwersa ni Malvar. Nilipon ng mga militar ng Amerika ang mga sibilyan sa kanilang military zone. Sinunog nila ang mga nayong laban sa kanilang pananakop kasama ang mga pananim at hayop. Ang kanilang pangunahing layunin ay gutumin ang mga gerilya. Bilang resulta, ang mga lider ng gerilya ay nahuli o napilitang sumuko. Noong Oktubre 1901, sumuko si Heneral Juan Climaco at Arcadio Maxilom sa Cebu at si General Quintin Salas sa Iloilo. Nahuli si Heneral Vicente Lukban sa Samar noong 27 Pebrero 1902. Nang sumunod na buwan, sumuko naman si Heneral Mariano Noriel sa Cavite.

   Gayunpaman, malakas ang paniniwala ni Malvar na maipagpapatuloy niya ang laban para sa kalayaan ng kanyang bansa, kahit pa ang kanyang mga tauhan ay nabawasan at ang kanilang mga armas at mga sandata ay unti-unting naubos. Dagdag pa rito ang gutom, pagod at pagkakasakit dahil sa tuloy-tuloy na pagmamartsa sa kagubatan habang ang mga sundalong Amerikano ay patuloy na tumutugis sa kanila.

   Bilang pagkilala sa kanyang kapansin-pansin na tapang at pagkamakabayan, binigyan siya ng awtoridad ng Amerika ng isang marangal na pakikitungo. Siya ay hindi pinabilanggo o ipinatapon. Pinahintulutan siyang umuwi at mamuhay nang mapayapa kasama ng kanyang pamilya at mga kasamahan. Siya ay muling sumabak sa agrikultura at komersyo. Kalaunan siya ay inialok sa pagka-gobernador ng Batangas ngunit magalang niya itong tinanggihan.

   Sa kasamaang palad, namatay siya sa sakit sa atay sa Maynila noong 13 Oktubre 1911, sa edad na 46. Ang kanyang mga labi ay dinala sa Santo Tomas, Batangas at inilibing na may mataas na parangal mula sa militar.