Sunday, August 30, 2020

Sample Affidavit of Witness for Petition to Remove Conditions on Residence


AFFIDAVIT OF WITNESS


   I, ____________________________ , is a friend of _____________________________, has affirmed that I have a personal knowledge of their marriage and their relationship. I have attended their wedding and have attested to their good relationship as a couple from then until now.


  I executed this affidavit to attest to the truthfulness of the facts and to support _________ for his Petition To Remove Conditions on Residence  of  ____________.


Signed, ___________________.



Saturday, August 22, 2020

Teorya ng Pinagmulan ng mga Sinaunang Pilipino

 

  Ang kamakailang pagtuklas sa mga kasangkapang bato at buto ng mga labi ng kinatay na hayop sa Rizal, Kalinga ay patunay na may mga sinaunang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan.[6] Samantala, ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. Inaakala na ang labi ng Taong Callao na natuklasan sa Yungib ng Callao sa Cagayan ay ang pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon. Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ng Taong Tabon sa Palawan na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas. Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mga Negrito o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula sa tangway ng Malay, kapuluan ng Indonesia, mga taga-Indotsina at Taiwan.

  Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang "Pinagmulang Kapuluan" naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BK at hindi sa pamamagitan ng malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang "Paglawak ng mga Austronesyo" na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK, taliwas sa mga naunang pagdating.

  Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang "Mula sa Taiwan", kung saan ipinapalagay na ang mga Austronesyo mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ng Ilog Yangtze tulad ng kalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang "kalinangan ng batong-luntian" ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawang artipakto ng batong-luntian na nasumpungan sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BK pa.

  Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nasumpungan rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipag-ugnayan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya sa isa’t isa noong sinaunang panahon. Magmula noong 1,000 BK, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mga port principality.


Thursday, August 13, 2020

Ang Kasaysayan ng Pilipinas At Mga Pilipino Noon At Ngayon

 

 

 Ang Pilipinas, opisyal na Republika ng Pilipinas, ay isang malayang estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ito ng 7,641 pulo na nababahagi sa tatlong kumpol ng mga pulo : Ang Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at Mindanao. Ang punong lungsod nito ay ang Maynila at ang pinakamataong lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng Kalakhang Maynila.

  Nasa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Napapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzon sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Nasa katimugang bahagi ng bansa ang bansang Indonesia habang ang bansang Malaysia naman ay nasa timog-kanluran. Sa silangan naman ay naroroon ang bansang Palau at sa hilaga ay naroroon naman ang bansang Taiwan.

  Ang kinaroroonan ng Pilipinas sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko at malapit sa ekwador ang dahilan kaya madalas tamaan ng bagyo at lindol, ngunit nagtataglay ito ng masaganang likas na yaman at ilan sa mga pinakamagandang sari-saring nilalang na nabubuhay. Ang lawak ng Pilipinas ay 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at tinatayang may 103 milyong bilang ng tao. Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa sa Asya at ang ika-labindalawang pinakamataong bansa sa daigdig. Magmula noong 2013, tinatayang 10 milyong Pilipino naman ang naninirahan sa ibayong-dagat, na bumubuo sa isa sa pinakamalaking diaspora sa daigdig. Iba't ibang mga pangkat etniko at kalinangan ang matatagpuan sa saan mang sulok ng bansa. Noong sinaunang panahon, ang mga Negrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mga Austronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Malay, Indiyano, at mga bansang Muslim. Maraming mga magkakakompetensiyang bansa o bayan tulad ng Tondo, Maynila (bayan), Ma-i, Madyaas at Kasultanan ng Sulu na naitatag sa ilalim ng pamumunò ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan.

  Ang pagdating ni Fernando de Magallanes sa Homonhon, Silangang Samar noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila, ngunit naudlot ito nang mamatay siya sa Labanan sa Mactan kay Lapu-Lapu, ang Datu ng Mactan. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na si Ruy López de Villalobos, ang kapuluan na Las Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan ni Felipe II ng Espanya. Sa pagdating ni Miguel López de Legazpi mula sa Lungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas sa Imperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang ang Katolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya sa Acapulco sa Kaamerikahan gamit ang mga galyon ng Maynila.

  Nang magbigay daan ang ika-19 na dantaon sa ika-20, sumunod ang pagsiklab at tagumpay ng Himagsikang Pilipino, na nagpatatag sa sandaling pag-iral lamang ng Unang Republika ng Pilipinas, na sinundan naman ng madugong Digmaang Pilipino-Amerikano ng panlulupig ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos. Sa kabila ng pananakop ng mga Hapon, nanatili sa Estados Unidos ang kataas-taasang kapangyarihan sa kapuluan hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan kinilala na ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Mula noon, ang Pilipinas ay nagkaroon ng magulong karanasan sa demokrasya, kung saan kabilang ang pagpapatalsik ng diktadurya sa isang di-biyolentong rebolusyon.

  Malaking impluwensiya o pagbabago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking impluwensiya na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.

  Tanyag ang bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring panluwas at sa kanyang mga Pilipinong Manggagawa sa Ibayong-Dagat o OFW. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remitans na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang teknolohiyang pangkaalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga call center na naglipana sa bansa.

  Ang Pilipinas ay isang orihinal na kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya, ang Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko, at ang Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya. Nandito rin ang himpilan ng Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya. Itinuturing ang Pilipinas na isang bagong industriyalisadong bansa, kung saan mayroong ekonomiyang nagbabago mula sa isang nakabatay sa agrikultura patungo sa isang mas nakabatay naman sa mga serbisyo at pagmamanupaktura. Isa ang Pilipinas sa tanging dalawang bansa sa Timog-silangang Asya na Kristiyanismo ang pangunahing pananampalataya. Yaong isa ay ang Silangang Timor.

  Katiwalian sa pamahalaan, pagkasira ng kapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay, labis na bilang ng tao at extra-judicial killings o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing suliranin ng Pilipinas. Nagdudulot din ng suliranin sa bansa ang mga pangkat ng terorismo tulad ng Abu Sayyaf at BIFF sa Mindanao at Bagong Hukbong Bayan