Saturday, October 31, 2020

Noli Me Tangere: Kabanata 62 Nagpaliwanag Si Padre Damaso

  Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Padre Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kaniyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kaniyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kaniya, ang kamatayan o ang kumbento.

  Napagmuni ni Padre Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kaniyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kaniya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Padre Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kaniyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.

No comments:

Post a Comment