Tuesday, July 9, 2019

ANG ALAMAT NG SAGING with Audio Guide



Sa isang malayong lugar ay may dalawang magkasintahan na tunay na nag-iibigan. Sila sina Aging at Juana. Ngunit sa kabila nito ay tutol ang mga magulang ni Juana na si Mang Juan, kayat lihim lamang siyang nakikipagtagpo kay Aging.
Ngunit, minsang nakipagtagpo siya kay Aging ay nasundan siya ni Mang Juan kaya't ng makita ni Mang Juan ay nagsiklab siya sa galit. Bigla niyang binunot ang itak na nasa kanyang tagiliran at sinugod ni Mang Juan si Aging.Sa pagkabigla ay hindi nakaiwas si Aging kaya inabot ng itak ni mang Juan ang braso ni Aging at naputol.
Sa sobrang takot ni Aging ay napatakbo siya papalayo sa mag-amang Juana. Labis ang kalungkutan ni Juana dahil sa mga pangyayari ngunit wala na siyang magagawa pa dahil wala na si Aging. Kayat pinulot nalang niya ang naputol na braso ni Aging at inilibing sa kanilang bakuran.
At sa paglipas ng mga araw ay wala pa rin si Aging. Wala na siyang balita kung ano na ang nangyari kay Aging. Subalit sa pag labas ni Mang Juan sa kanilang bahay ay napansin niya ang isang uri ng halaman  na noon lamang niya nakita kayat dali- dali niyang tinawag si Juana at tinanong kung anong uri ba ng halamang iyon.
Laking gulat ni Juana nang makita niya ang tinutukoy ng kanyang ama, dahil sa lugar mismo ng pinaglibingan niya ng braso ni Aging ay may tumubong halaman.
Ito'y kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo'y isang kamay na may daliri ng tao.
Naalala niya ang kanyang kasintahan, at nasambit niya ang pangalang Aging. At sinabi niya na iyan si Aging. Kaya mula noon ay Aging ang tinawag nila sa halamang iyon. At sa paglipas ng panahon ay nabago na ang Aging at itoy naging Saging.

No comments:

Post a Comment